Search This Blog

October 5, 2011

A B N K K B S N P L Ako?! by Bob Ong

Hi Readers!

For my international readers please use  Translate this Blog - you can find it above the sidebar. 

     Kamusta na kayo? Ngayon ay ang unang araw ng Miyerkules para sa Buwan na ito (maaring ang iba sa inyo ay may planong magsimba sa Baclaran). Ngayon ay espesyal na araw din para sa ating mga guro, ang araw na ito ay selebrasyon ng "World Teachers' Day"
     
     Noong bata kayo ano ba ang naalala niyo habang nasa loob kayo ng silid aralan? syempre nangunguna na na dyan naalala natin ang ating mga guro dahil sila ang naging ehemplo natin. Bukod sa ating mga magulang sila din ang ating gabay sa paglaki. Ano-ano pa ba ang mga naalala mo noong nag-aaral ka pa. Simulan natin sa Elementarya, matanong ko ano ba ang paborito mong aralin o subject? sana walang sumagot ng Recess :) 

     Ang blog ko ngayon ay may kinilaman sa "World Teachers' Day" nagkataong binabasa ko ang librong akda ni Ginoong Bob Ong na ang title ay "A B N K  K  B  S N P L Ako?!" (Aba nakaka-basa na pala ako). Sa libro na ito, wala akong hindi gusto, ang mga naka saad dito ay totoong pangyayari o nangyayari sa reyalidad noong tayo ay nag-aaral pa. Nakasaad din dito ang kahalagahan ng edukasyon at mga aral na unti-unti nating natutunan sa eskwelahan. 


Ang cover ng libro

  • Bukod sa half day na pasok at suspension of classes, marami pang perks sa elementary school. Pag batung-bato ka na sa klase, pwede mong ipagdasal na sana may dumating na bisita. Dito n'yo gagamitin ang itinuro sa inyong " Goood Mooooorning, veeeeeseetohr!!!!"


  • Saan nga ba nauuwi ang maraming taon ng pag-aaral? Madaling isipin kung ano ang gamit ng pera, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ito ang maging sukatan ng tagumpay ng tao. Sa edad na 21 hanggang 60, nagtatrabaho tayo para magkapera. Sa edad na 5 hanggang 21, pumapasok tayo sa eskuwela para magkatrabaho. 

  • Nalaman kong habang  lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
  • Nalaman kong napakaliit na bagay pala ng isang recitation, project, at quiz para sumira sa buhay mo. At napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror na teachers at mahihirap na subjects.
  • Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, Kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

Ito pa ang ibang linyang gusto ko sa librong ito:

  • Parang "Time's up! ang reunion, "pass your papers, finished or not!" Oras na para husgahan kung naging sino ka...o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful?? Sino ang naging pinaka-successful?
  • Simple lang ang pangarap ko nung bata ako: makapagtrabahao nang naka-long sleeves at may kurbata. Kung magkikita kami ng batang 'yon ngayon, tiyak masisigawan ako. "Bakit hindi ka naging waiter???"
Masaya talagang basahin ang mga libro ni Bob Ong hindi lang ito ang una kong review ng libro niya ang una kong naisulat dito ay "Ang Paboritong Libro ni Hudas". Maaliw ka sa mga prankang salita at may relasyon sa totoong buhay. Natapos ko na ring basahin ang isa pa niyang libro na MC ARTHUR.

Kayo sana basahin niyo rin ang librong ito, mapapangiti kayo sa tuwing makaka relate kayo sa kwento mula noong mag kinder hanggang sa makatapos ka ng kolehiyo. Mabibili ang librong ito sa National Bookstore, Powerbooks. 

P.S.

Sa blog na ito akala ko hindi na ako mahihirapan o hindi na ako magno-nose bleed mas mahirap pa lang magblog ng tagalog kesa sa english...try mo rin :)

Last na lang paki basa nga ito nakita ko rin 'to sa Libro ni Bob Ong (abakada ha!)

A B N K K B S K N P L
B K W L K M G W 
P R M S Y T W K
H H H M S Y K N B
T W P H H H H H
O H L T M N
P R K N T Ng

7 comments:

  1. I love this book, its hilarious!!! Everybody loves Bob Ong. :D

    www.honeyandrade.com

    ReplyDelete
  2. i should definitely pick up this book! heard so much about it :)

    "join my Halloween Paisley giveaway! Win a giant shopper, color block sandals and a bunch of chocolates! :)"

    ReplyDelete
  3. Hi Honey thanks for the comment :) yes I know lots of people love Bob Ong Books.

    Hi Sara thanks for dropping by again :)
    I'll join your giveaway :) Thanks you

    ReplyDelete
  4. nice huh, nakarelate na agad ako, kc nabitin ako, cgurado bibili ako nyan! hehe... and yes, mas mahirap mag blog ng tagalog, isipin mo tagalog na language natin pero kadalasan wrong grammar parin tau!

    It’s a GIRL Thing

    ReplyDelete
  5. Hi CutestPrincess Oo mas mahirap palang magtagalog sa Blog :) Yes bili ka ng book ni Bob Ong sarap basahin puro humor :)

    ReplyDelete
  6. Hi Glenn! Thanks for visiting my blog! :)
    Followed you by the way. I'll appreciate if u'll follow back dear :)

    xoxo,

    Majo
    http://majocamacho.blogspot.com

    ReplyDelete